ang blog nang isang aliping sagigilid

Monday, July 15, 2013

Online Buying Adventure: Claiming at Customs Office


Ang tagal na nung package ko di pa dumadating, kaya inimail ko yung EMS para mag inquire. Sabi kailangan ko daw pumunta ng customs office dahil andun daw package ko at sabi sa Pasay branch ko daw makukuha.

Tinanghali ako ng gising kaya 9 na ako nakaalis ng bahay. Ang hirap pa sumakay ng bus papuntang MRT station.
So matapos makipagsiksikan sa mga amoy mandirigmang mama sa MRT. (Ang aga aga ha?)Nagtaxi nalang ako sa Taft papuntang office nila para mabilis. Mabait si manong MMDA at pinara nya ako ng taxi. Mas mabait si mamang taxi driver dahil sinuklian pa nya ako, NG SAKTO! 80 php yung fare ko kaso 100 pera ko kaya ayun expected ko di na ako susuklian. Asteeeg mabuhay ka manong.

So mabalik tayo sa kwento...

Eto dito ka muna pupunta pag magclaiclaim ka. Bandang kanan na building pagpasok mo sa gate.
At dahil wala namang pinadalang notice binigay ko nalang yung tracking no. na binigay ng seller. Binigay ko sa mga ale sa bintana yung tr no number ko at nagbigay naman sila ng kulay orange na no. tatawagin nalang daw. Intay mode ako ng mga 30 mins.

Pag tapos matawag ang no. pinapunta na ako sa kabilang building, sa badang kaliwa naman ito.
Pinapasok ako ni kuya guard sa loob ng bodega/office nila para ibigay ng notice card sa mga nakaupo sa harap. At nawindang naman ako sa smell sa loob. Amoy lampin ng bata na dalawang araw ng di napapalitan.


Tapos nag lunch sila...nag lunch...

luncchhhhh...ang tagal kuya guard ha... 1:30 na di pa tapos? dami ba pagkain?

may pumaradang van sa harap ng kinauupuan ko. Yesss van yan! van! 

So matapos matawag uli ang  name and pangalan nakuha na yung package. Binuksan. Binulatlat. Kinuha yung paper na nakadikit sa package. Andun kasi yung declared value nung item, and yung sakin is 15$.

Yung isang katabi ko pala nawindang ako kasi binulatlat yung package nya sa tabi ko. Mga personal items yun. Napasabi siya na underwear lang daw nya yun kaya wag na isaisahin. So meaning, kung sakali pala na di nya sinaway si manong nambubulat ng package, sasambulat sa amin yung panty nya? windang mode uli.

Matapos ipakita si package, binalot nila uli at sinabing maghintay sa tapat nung may ercon na kwarto. At naghintay naman ako. Tiis tiis sa amoy wiwi na paligid. Saka malamok. 

See the picture. Sa likod nung mga sako yung bulatlatan zone. Madami kayo ha. Kaya kung magpapadala kayo ng underwear. Siguraduhing di ito butas at presentable pang tingnan.
Saka pansinin ang naagnas na ceiling.

Eto yung computation sakin. Duty, excise tax, vat, customs documentary stamps. Dyaraaaaaaaaannn 
862.00
Kasing mahal ng declared value nung item ko. Tinanong ko kung para saan yun? "Ganun daw yun dati pa, asa batas daw yun." Tinanong kung bakit dalawa tax. Exise saka Vat. Di na ako sinagot. Nainiis ata kasi mausisa ako. 

Binayaran ko nalang sayang oras saka pagod ko eh. Ang layo pa naman.
Magbabayad pa pala ng additional na 50Php. Postal chuchu ata. nalimutan ko na. 


Reaction:
1. EMS meaning Express Mail Service. Express. EXPRESS. Anong express dun. Eh nauna pa nga yung package ko na ordinary mail lang eh. Saka sabi idedeliver daw door to door. Wala daw resources para mag deliver. Malamang bulok vans nyo eh. Bat di kayo magupgrade? Pwede namang motorcycles nalang para sa maliliit na delivery. Kahit notice nga di nyo maideliver eh. May bayad naman yung delivery fee ha. Kumikita naman kayo. Goverment naman may-ari sa inyo. Tax namin pinapasweldo sa inyo. Ayusin nyo trabaho nyo ha.

2. May Customs officer sa mga local post office bat kailangan sa Pasay pa mag claim? Ayaw nyo mamahagi ng blessings? Pano pag malayo ang lugar? Di naman ibig sabihin na kapag Metro Manila eh madali ng pumunta mula point a to point b. Adik ba kayo? Ang trapik kaya ng Maynila. Isipin nyo yung naabala nyong taxpayer.

3. No lunch break policy sa mga goverment offices daw. Eh ang tagal nyo mag lunch eh. Oo naiintindihan namin na kailangan nyong kumain. Tao lang kayo. Eh anong tingin nyo samin? Pwede namang di lahat kayo sabaysabay mag lunch, ang dami nyo sa loob eh.

4. Sayang ang oras ng mga nagtratrabaho sa sobrang kupad ng system nyo. Pano yung nag ooffice? pano yung arawan ng kita? Mawawalan sila ng pagkakakitaan dahil lang kailangang mag claim ng package buong araw?

5. Ang baho at ang dumi ng bodega nyo. Lahat ng nagclaclaim pansin ito. Konting linis naman dyan. Madaming foreigner na kumukuha din ng package. Iniisip siguro nila ang dugyot natin.

6. Oo alam ko na kailangan nating magbayad ng TAX. Obligasyon natin iyon bilang mamayang Pilipino.(Filipino pala XD) kaso naman...

naman...

Wag namang garapalang super to the highest ng bonggang bonga.
Haller. Mas mahal pa tax ko kaysa sa presyo ng package ko?
Tapos nung tinatanong ko kung para saan yung mga nakasulat sa computation, ayaw nyo namang sagutin ng maayos.
Kung di lang ako super drained, wild magiging reaction ko dun.



Haist naman. Only in the Philippines talaga.




Note: May isang package pa ako na kailangan iclaim. Sa post office ito ng Pasig. Nakabot naman ako at enentertain padin ako ni kuya sa window na nakasmile pa. Kahit 4:30 na. Tiningan lang. Binasa ang nakasulat na value. Pinirmahan at di na binuksan. Naibigay yung item ko in less than 5 mins. Wala na kasing gaanong tao dahil hapon na. Pero pag nagclaiclaim ako sa kanila mabagal na ang 20 mins. kahit lima pa kaming sabay sabay na claimants.
50 Php lang binayaran ko.

Mas mahal pa yung package na ito kaysa sa dun sa na claim ko sa Pasay office.

Labels: , , , ,