ang blog nang isang aliping sagigilid

Sunday, July 25, 2010

Wet floor

pag kauwi ko ng bahay sinalubong ako ng kapatid ko ng ganto..

"Oy, anu nangyari sayo?, Nadapa ka, nadulas saka nagpagulong gulong sa putikan?"
"Pano mo nalaman?"
di naman kasi ako nakatawag dahil nalowbatt cellphone ko...

tapos kinwento ko na sa kanya nangyari...

Nagpaship ako sa air21 sa may fedex sa megamall. May wet floor sign na nakalagay kaya umiwas ako, yun pala yung inapakan ko basa din kaya ayun dapa... as dapa... di naman sa putikan katulad nung pagkakdescribe nung bro ko... sa basa lang. Kaso dami parin tao, kakahiya kaya. Saka ang sakit ha! Sinamahan nalang ako ni Mamang guard dun sa clinic (Tinanong pa ako kung kailangan ko ng wheelchair or stretcher, pero tangi naman ako ng bonggangbonga...yoko nga...ganda ng outfit ko tapos naka stretcher ako..kakahiya kaya...saka kaya ko panamang maglakad kahit masakit yung hips ko)
Matapos ang X-ray wala naman nakitang problema... may pasa lang sa hips saka nangalay lang yung left shoulder ko. Nagreseta lang. Ok na... binilhan nalang ako ng gamot ni Pol na sumugod agad dun sa clinic nung nalaman na naaksidente ako (my hero mwaaaah!)


Eto pa ang bongga!...Pang lima na daw ako nadulas doon sabi nung doctor... Grabe, may pang anim pa kaya, bago ako lumabas sa Xray room may sumunod pa saking naka stretcher... nadulas din daw...
katakot... buti dahandahan ako naglakad dun...

May trauma na tuloy ako pag nakakakita ng wet floor sign...


Ayun nakatangga lang yung kapatid ko sabay tawa... "Wahaha nadapa!.... Asteg! Imma Psychic"


Gusto kong ibato yung monitor sa kanya...

2 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home